Monday, December 31, 2007

poem from a friend....

To you who loved Poems,

Pilit tinitigil ang panahon sa pag-usad

Dahil alam nating dalawa na ang minsang ganito

Ay di na babalik pa muli...kailanpaman.

Mga titig na naiiintindihan kung ano

Ang aking nararamdaman at nilalaman ng isipan

Sa bawat ngiting binibitawan

Sa bawat haplos ng kamay sa mukha

Sa bawat bigkas ng mga salita mong

Di ko mapigilang mangarap...nagnanais na sana

Walang katapusan ang aking nararamdaman

Masaya...

Tama ka...

Salamat...

Subalit, sa lahat ng bagay sa mundo

Sa lahat ng pagsikat at paglubog ng araw

May mga bagay na di nagbabago

Mga bagay na tulad ng alaala

Kapalit ay isang hinagpis at ang sakit

Na nararamdaman na di na kita masisilayang

Muli sa bawat paggising ko sa umaga.

Haaay....

Minsan...

Sana....

Magtagpo muli ang landas...

Sana...

No comments: